Part I- Nagpapakilala
Ito na naman, nautusan na namang magpost sa blog. Okay lang sana iyon pero sa lahat ba naman ng pwedeng ipost, talambuhay ko pa. Nakakahiya kaya. Maiikekwento ko pa ang mga nakakatawa, walang kwenta at nakakaiyak, kung meron man pero sa tingin ko wala, sa buhay ko.
Chapter I- Ang aking Kapanganakan
Ako nga pala si Vladimir Bolilia Calanasan Jr. Nagsimula ang unang araw ko sa mundo noong ikalima ng Pebrero taong 1995 sa na 12:30 ng tanghali sa San Pablo City Medical Center. Ang inang nagluwal sa akin ay si Marife B. Calanasan at nasa tabi niya ang aking amang si Vladimir A. Calanasan.
Chapter II- Bakit nga ba Vladimir?
Ayon sa aking mama at papa, kaya Vladimir Jr. ang pangalan ko ay dahil sa ginawa ng tatay ko gusto noong gawin ng lolo ko sa pagpapangalan sa kanya. Gusto sana ng lolo ko na si Nicanor, na yumao na, na gawing Jr. ang tatay ko pero ginawa na lang niyang Vladimir na hango sa pangalan ng dating propesor ng lolo ko. Kaya Vladimir Jr. ang pinangalan sa akin.
Chapter III- Saan ba ako nakatira?
Mula ng ako ay ipinanganak, ang aming pamilya ay nakatira sa bahay ng aking lola sa Villa Rosario Subdivision sa Tiaong, Quezon. Pagkatapos ng apat na taon, lumipat na kami sa Maryland Homes III Subdivision sa San Vicente, San Pablo City, Laguna na kung saan kami ay nakatira ngayon.
Chapter IV- Ang unang Limang taon ko sa Mundo
Dahil musmos pa lamang ako noon, hindi ko na masyadong matandaan ang karamihan ng mga bagay na nangyari sa akin noon. Ako iyong batang layas, kung saan-saan na ako dinala noong bata pa ako. Mahilig din ako noon sa Lego Blocks. Kadalasan ko ngang kalaro noon ang kapatid kong si Marian. Meron din akong hilig noon, mga laruang sundalo na nadala ko hanggang sa mag 1st year ako. Madalas din akong magbike noon kaso puro dagasa at sugat ang inabot ko. Yung una naming bike, yung may side car, naputol yung handle gawa ng ginamit na lalagyan para sa LPG, hindi kasi kinaya kaya iyon, putol. Sunod naman binili kami ng BMX. Medyo tumagal naman yung bike kaso isang araw, nagpahanga ang tanga, sinubukang mag-exhibition sa rampa. Okay na sana ang lahat kung hindi lang mabigat, kaya iyon hindi kinaya ng gulong at nagdagasa na nga ako. Dahil dito nasira ang bike ko at hindi na muli ako nagkabike. Isinasama din ako ni mama at papa sa kanilang mga ekwelahang pinagtuturuan, Claro M. Recto MNHS kay mama at San Pablo City NHS-Annex V naman kay papa.
Part II- Mula sa Ewan hanggang sa pagiging Champion
Hindi sa pagmamayabang, hindi pa ako seryoso sa pag-aaral. Itanung mu pa kay mama at papa.
Chapter I- Day Care
Pumasok ako ng day care sa ilalim ng grandstand, para malapit lang ako kay papa. Hindi ko na masyadong matandaan yung mga bagay na ginawa ko noon pero meron isang bagay na hinding dindi makakalimutan noon, ang una kong CUTTING CLASSES. Hindi ko tanda kung kailan yun, ang natatandaan ko, pagkatapos naming magrecess kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto kahit na sinisigawan na ako ng mga kaklase ko noon. Dumeretso agad ako kay papa at bigla nalang akong pinagtawanan nina Ninong Caloy at Tito Jun.
Noong kinder ako, dun ko narealize na pogi pala ako. Isinali ako noon ni mama’t papa sa Mr. and Ms. Kinder noon. Pero yun ay nakabatay sa perang malilikom ang panalo. Kahit na ganun, naisip ko pa ring pogi ako dahil sa kada pagkakataon na magsosolicit kami, lagi nila akong sinasabihang pogi at gwapo, which is totoo naman pero hindi na siguro ngayon kasi tumaba na ako. Hahaha.
*Kung sino naman po ang nakakakilala sa babaeng nakapartner ko noon, nandyan ang picture, nananawagan po akong ipagbigay alam ninyo pos a akin ang pangalan kasi matagal ko na talaga siyang hinahanap. Salamat po.
Chapter III- Grade I
Sa San Pablo City Central School ako pumasok nung elementary ako. Nung Grade I ako, Pilot B ang section ko noon o mas kilala sa tawag na Winnie the Pooh. Ang room namin ay nasa Rizal building na nirerenovate ngayon. Kasama ako noon sa honors 5th nung 1st grading, 3rd nung 2nd grading at 2nd sa 3rd at 4th grading. Pinanglalaban din ako sa Makabayan at Science pag meron kaming programs. Lagi din kami ang naglilinis ng Rizal Hall bago o pagkatapos gamitin ito. Ang tanda ko noon, may tinutusok kami sa sulok ng room, akala naming kung ano iyon yun pala sawa. Hindi ko din makakalimutan noon ay nang hindi inaasahang mapatae ako sa aking short noon . hahaha.
Chapter IV- Grade II
Tumaas na ako ng section, Fast Learner na ako. Kaso hindi na ako kasama sa honors pero player naman ako ng kasibulan o football ng bata at naging 1st kami noon. May katangahan nga lang akong ginawa noon, habang kami ay kumukuha ng pagsusulit sa math, nahuli ako ng titser naming na gumagamit ng multiplication table kaya kinuha yung papel ko at hindi na ako pinakuha ng test. Unang beses ko na ngang mandadaya nahuli pa. Hahaha.
Chapter V- Grade VI
Wala na namang magandang nangyari sa akin nung ako ay grade III, IV at V kaya grade VI na agad. Mga July yata noon nagsimula nang magpilian para sa panlaban sa Sibika Quiz sa DACES. Dahil panlaban na ko noong grade V na nakaabot kami hanggang region, naging madali sa akin ang pagsali. Ako na rin ang naging panlaban sa MAKABAYAN Quiz Bee. Sa district, wala akong mali sa easy at average at dalawang mali lamang sa difficult sa Makabayan at 1st naman kami sa Sibika. Pagdating ng Division, kami ulit ang 1st sa Sibika ngunit nahirapan naman ako sa Makabayan. Mayroon akong tig-iisang tama sa easy, average at difficult na naging sapat na para manalo ako at maging first. Hindi naman kami pinalad sa region sa Sibika ngunit nanalo naman akong 1st sa makabayan quiz. Muntik na akong matalo noon kung hindi lang ako nakadami ng tama sa difficult. Dahil sa pagkapanalo kong ito ako ang magiging pambato ng CALABARZON sa Makabayan quiz Bee kung saan ako ay naging kampeon na nagbigay sa akin ng isang linggong kasikatan sa aming paaralan. Kahit na ako ay isang national champion hindi naman ako kasama sa top 10 namin. Hahaha.
Chapter VI- High school
Sa CLDDMNHS ako pumasok at ako ay kasalukuyang 4th year student dito at malapit ng magtapos. Nung 1st year ako, 3rd ang ranking ko sa lahat ng aming grading periods dahil tinatamad pa akong mag-aral noon. Sa 2nd year naman, naging 1st na ako dahil sa pangakong pag 1st ako, ibibili ako ni Papa ng PSP na ngayon ay nawawala sa bahay namin. 1st ako lagi pagdating ng 3rd year at kasulukuyang running for valedictorian sa taong ito.
Part III- Hayskul Lab
Mas makulay ang buhay pag-ibig ko ngayong high school kaysa sa pag-aaral ko kaya ito ang napili kong ielaborate sa inyo.
Chapter I- Benadette L. Batoy
Noong 1st year kami unang nagkakilala. Magkaklase kami noon at napansin ko sa sarili ko na tingin ako ng tingin sa kanya, hindi ko naman alam kung bakit hanggang sa yumaon ay nalaman kong may gusto pala ako sa kanya. Buti na lamang at may cellphone din siya kaya madalas ko siyang katx noon at dun ko din nalaman na may gusto din pala siya sa akin. Dahil hindi pa hubog ang isip ko noon tungkol sa mga ganitong mga bagay, niligawan ko na agad siya through text almost pero totoo naman ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko na tanda yung date na sinagot niya ako kaya itanong niyo na lang sa kanya, ang mahalaga naging kami. Pero problema agad ang sumalubong sa amin. Noong science camp namin, nagkaroon ng balibalita tungkol kay Bernadette na meron siyang ibang kasama noong gabing iyon na sobra kong pinagselos sa kanya. Wala naman akong ginawa at pinalagpas ko na lang. Ang isa pa ay nang sumulat ang isang babaeng patay na patay sa akin noon kay Bernadette na naglalaman na kung pwede ay ibigay na lang niya ako sa kanya. Ipinagselos iyon ni Bernadette pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagseselos dahil hindi ko naman pinapansin yung babae. Haixt. As far as I can remember, nagbreak kami dahil sa naasar na ako sa kanya dahil nagselos siya kay Piwie ng walang dahilan. T.T Itanong ninyo na lang ulit kay Bernadette kung kailan kami naghiwalayan.
* Hindi ko binanggit ang pangalan ng isang babae at isang lalaki, for securities sake.
Chapter II- Marizthel T. Alcantara
Nung kami ay 2nd year nagpatulong ako noon kay Marizthel nung ako ay sumusubok na maging close kay Piwie na nangyari naman pero hanggang doon lang. Pagdating ng 3rd year, medyo matalik kaming magkaibigan ni Mariz noon pero parang may naramdaman ako noon na more than friends ang tingin ko sa kanya. Ang una kong kinaharap na problema nung nililigawan ko siya ay nang ayaw niyang magpaligaw dahil sa gusto niyang unahin ang kanyang pag-aaral at sa magkaiba ang aming relihiyon. Ngunit pinagpilitan ko ang aking sarili at hindi nawalan ng pag-asa. Ang pangalawa ay ang itinuturing kong kakompitensya at naging dahilan ng paghina ng loob ko. Dumating nga sa punto na naging desperado ako ngunit naging dahilan upang magalit siya sa akin. Okay na naman kami sa ngayon.
Chapter III- Krislyn Joy M. Cacao
Noong November 2, 2010, may biglang may nagtx sa akin na hindi ko kilala, nagpakilala naman siya at siya daw si Krislyn, hindi ko maexpalin yung reaction ko noon dahil ina-admire ko na siya noon dati pa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya tuwing dadaan siya tapat ng room namin dati. Nalaman kong kinuha niya kay Arjay ang number ko pero hindi ko pa rin alam kung bakit niya kinuha ang number ko. Nagbigay ito ng pagkakataon upang manuyo sa kanya at naging kami naman ngunit nagkaproblema kami ngayon at maiintindihan pa kung maayos pa ang problema pero ito lang ang masasabi ko, MAHAL NA MAHAL KO SIYA
*Pasensya na kung hindi detailed, rush kasi eh. Edit ko na lang pag nacheckan na.
No comments:
Post a Comment