Dahil sa pagsasapribado ng mga sandatahang lakas sa lahat ng parte ng mundo noong 2030, nawala ang mga estado at mga bansa at nabuhay naman ang mga organisyasyong tinatawag na “family.” Ang isang family ay binubuo ng hindi baba sa isang milyong indibidwal na pwedeng magkakamag-anak o hindi. Ang bawat family ay may kanya-kanyang lider, batas at teritoryo. Meron din silang kakayahan na makapaggawa ng sarili nilang armas. May mga family na nakikipag-alyansa sa ibang family ngunit mas marami ang magkakaaway.
Ngayon ay ika-13 ng Pebrero 2050, nanonood ako ng GMA-CBN News tungkol sa giyera sa pagitan ng Calanasan Family at Diaz Family dahil sa problemang teritoryal at hindi naman ako nagulat sa parte ng balita na pinulbos ng Calanasan ang Diaz dahil ang Calanasan ang tinataguriang pinakamalakas na family sa buong mundo.
Ako ay si Vladimir at ako ay nagsimulang nag-aral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School noong 2035. Ginawa ang paaralang ito noong 1995 sa layuning maturuan ang mga estudyante nito ng mga dapat nilang malamam at para na din sa kanilang kinabukasan. Malaki na ang pinagbago nito mula noong una itong buksan. Ito na rin ang naging pinakaprestihiyosong paaralan sa buong mundo mula ng iturn-over ito sa Calanasan Family.
Ikalima ng Hunyo taong 2035 ang una kong araw sa paaralang iyon at ako ay kinakabahan dahil sa ako ay bago lang dito at hindi ko na kasama ang kaibigan ko noong elementary pa ako. Ako ay naka-enroll bilang isa sa mga estudyante ng pinakamataas na seksyon, ang I-Scyber Phoenix at ang silid-aralan nito ay kahilera ng mga faculty ng paaralan. Katulad pa rin ng dati, kami ay isa-isang nagpakilala. Matagumpay ko naming nagawa iyon ng maayos. Sa lahat ng nagpakilala limang kamag-aaral ko ang binigyan ko ng atensyon. Una ay si Peewie Rejuso, bukod sa napakaganda niyang babae, hawak din ng kanyang kinabibilangang family ang malaking porsyon ng timog Amerika. Pangalawa ay si Micko de Castro, miyembro siya ng Descartes Family na may hawak sa kanlurang bahagi ng Europa. Pangatlo si Marizthela Alcantara, anak ng lider ng Alcantara Family na nakabase sa Gitnang Silangan. Pang-apat si Nonito Dazo, na pinsan ng tagapagmana ng Dazo Family na nakasasakop sa Hilagang Asya. At panglima at panghuli si Joy, isang miyembro ng maliit na pamilya sa Timog ng Pilipinas. Naging interisado ako sa kanila dahil sa family nilang kinabibilangan ngunit hindi kay Joy, parang ako ay na-love at first sight sa kanya.
Sa loob ng tatlong taon naging mga kabarkada ko sina Peewie, Micko, Nonito at Marizthela ngunit hindi si Joy, dahil sa hirap ng kanyang pamilya, napilitan silang ilipat siya sa mas mababang seksyon na mas mababa ang bayad kaya naging mahirap sa akin na maging kaibigan man lang siya. Isang araw napagdesisyonan ko na manligaw sa kanya tinanggap niya ako bilang manliligaw ngunit hindi ako naging matagumpay. Meron na pala siyang kasintahan. Ngunit hindi yun naging dahilan upang sumuko ako. Patuloy pa rin ako at unti-unti ko ng nakukuha ang kanyang loob ngunit nangyari ang matagal ko ng pinangangabahan nadiskubre ng kanyang kasintahan ang aking ginagawa at agad niya akong pinagbantaan na papatayin at wawasakin ang aking kinabibilangang family. Hindi ako natakot at hinamon ko siya ng isang giyera. Ngunit nagkamali na naman ako, ang kasintahan pala ni Joy ay isang miyembro ng pinakamalakas na family sa mundo, ang Vongola.
Humingi ako ng tulong sa aking mga kaibigan at pumayag naman sila na tulungan ako dahil kung saka-sakaling mananalo kami, mawawala sa landas nila ang Vongola upang mas lalo silang lumakas. Ako ang naatasang maging lider ng aming alyansa at gumawa ng stratehiya. Si Marizthela ang naatasan kong mamuno sa “Artillery Division”. Ito ang unang aatake sa kalaban gamit ang mga radioactive cannons. Si Peewie naman ang mamumuno sa “Healing Division” na gagamot sa mga sugatan gamit ang makabagong kagagamitan sa panggagamot ng espesyalidad ng kanyang family. Si Nonito ang mamumuno sa “Ranger Division” na makakatulong sa akin na pinuno ng “Melee Division” at si Micko ang naatasan kong mamuno sa “Ambush Division” na ang misyon ay sirain ang pormasyon ng kalaban upang mapadali ang aming paglusob. Ang labanan ay magaganap sa oval ng aming paaralan. Manggagaling ang hukbo ng Vongola sa Timog at kami naman sa Hilaga.
Ika-18 ng Disyembre taong 2038, magsisimula ang giyera ng Vongola at ng aking family, ang Calanasan Family. Ito ang giyera na babago sa buong mundo at magiging daan para aming dalawa ni Joy.
Tulad ng pinagplanuhan, unang aatake ang aming ambush division ngunit nangyari ang hindi inaasahan. Nakasalubong nila ang ambush division ng Vongola. Gamit ang mga makabagong kagamitang pandigma, nagsimula ang giyera. Sa una, pantay ang laban ngunit kalaunan, unti-unti ng lumalabas ang lakas ng Vongola. Gumamit na sila ng mga rings at boxes na nagbibigay ng lakas sa kanilang mga sundalo. Dahil doon, napilitan akong ipagamit ang rohan style fighting stance upang mapantayan ang kanilang lakas. Parang bumalik ang labanan sa medyibal na panahon na gumagamit ng espada’t kalasag ngunit mayroong mga makabagong flames na tuklas ng mga siyentista. Natalo ng aming ambush division ang Vongola Ambush Division ngunit malubhang nasugatan si Micko at hindi na rin sapat ang ambush team upang tambangan ang pinakasandatahan ng Vongola kaya napilitan akong gumawa ng ibang taktika.
Inuna muna ng aming alyansa ang pagsaklolo sa mga sugatan. Upang maiwasan muna ang bagong labanan, binomba ng aming artillery division ang Vongola upang mapigilan ang paggalaw nito. Ang mga miyembro ng ambush division na pwede pang lumaban ay isinama sa melee division. Wala akong ibang nagawa kundi ang hamunin na lang ang kasintahan ni Joy sa isang 1-on-1. Kahintulad nito ang ginagawa ng mga Griyego kung saan ang pinakamalakas na mandirigma ang maglalaban para malaman ang resulta ng giyera.
Pumayag siya dahil alam niyang isa itong pagkakataon upang personal na niya akong mapatay. Naging dehado ako sa aming laban dahil sa magkalayo ang kalidad ng aming sandata. Wala na akong ibang magawa kundi sumalag, umiwas at tumakbo hanggang inabutan niya ako at masaksak sa puso. Nakita ko na lamang umiiyak si Joy na gumising sa bloodline na nasa aking katawan, ang “Aegis of Immortality” na nagpalakas sa akin at kumuha sa akin sa kamay ni kamatayan. Dahil dito napilitang sumuko na lamang ng kasintahan ni Joy dahil sa wala na siyang magagawa. Dahil dito natalo at nabuwag ang Vongola Family.
Dahil sa nagawa naming talunin ang Vongola Family, napagdesisyon naming magsanib pwersa at gumawa ng bago at mas malakas na family, ANG CALANASAN FAMILY, ako bilang lider at si Joy sa aking tabi.
No comments:
Post a Comment