Saturday, February 26, 2011

Vladimir B. Calanasan Jr.

Part I- Nagpapakilala
Ito na naman, nautusan na namang magpost sa blog. Okay lang sana iyon pero sa lahat ba naman ng pwedeng ipost, talambuhay ko pa. Nakakahiya kaya. Maiikekwento ko pa ang mga nakakatawa, walang kwenta at nakakaiyak, kung meron man pero sa tingin ko wala, sa buhay ko.

Chapter I- Ang aking Kapanganakan
            Ako nga pala si Vladimir Bolilia Calanasan Jr. Nagsimula ang unang araw ko sa mundo noong ikalima ng Pebrero taong 1995 sa na 12:30 ng tanghali sa San Pablo City Medical Center. Ang inang nagluwal sa akin ay si Marife B. Calanasan at nasa tabi niya ang aking amang si Vladimir A. Calanasan.
Chapter II- Bakit nga ba Vladimir?
            Ayon sa aking mama at papa, kaya Vladimir Jr. ang pangalan ko ay dahil sa ginawa ng tatay ko gusto noong gawin ng lolo ko sa pagpapangalan sa kanya. Gusto sana ng lolo ko na si Nicanor, na yumao na, na gawing Jr. ang tatay ko pero ginawa na lang niyang Vladimir na hango sa pangalan ng dating propesor ng lolo ko. Kaya Vladimir Jr. ang pinangalan sa akin.

Chapter III- Saan ba ako nakatira?
            Mula ng ako ay ipinanganak, ang aming pamilya ay nakatira sa bahay ng aking lola sa Villa Rosario Subdivision sa Tiaong, Quezon. Pagkatapos ng apat na taon, lumipat na kami sa Maryland Homes III Subdivision sa San Vicente, San Pablo City, Laguna na kung saan kami ay nakatira ngayon.

Chapter IV- Ang unang Limang taon ko sa Mundo
            Dahil musmos pa lamang ako noon, hindi ko na masyadong matandaan ang karamihan ng mga bagay na nangyari sa akin noon. Ako iyong batang layas, kung saan-saan na ako dinala noong bata pa ako. Mahilig din ako noon sa Lego Blocks. Kadalasan ko ngang kalaro noon ang kapatid kong si Marian. Meron din akong hilig noon, mga laruang sundalo na nadala ko hanggang sa mag 1st year ako. Madalas din akong magbike noon kaso puro dagasa at sugat ang inabot ko. Yung una naming bike, yung may side car, naputol yung handle gawa ng ginamit na lalagyan para sa LPG, hindi kasi kinaya kaya iyon, putol. Sunod naman binili kami ng BMX. Medyo tumagal naman yung bike kaso isang araw, nagpahanga ang tanga, sinubukang mag-exhibition sa rampa. Okay na sana ang lahat kung hindi lang mabigat, kaya iyon hindi kinaya ng gulong at nagdagasa na nga ako. Dahil dito nasira ang bike ko at hindi na muli ako nagkabike. Isinasama din ako ni mama at papa sa kanilang mga ekwelahang pinagtuturuan, Claro M. Recto MNHS kay mama at San Pablo City NHS-Annex V naman kay papa.

Part II- Mula sa Ewan hanggang sa pagiging Champion
            Hindi sa pagmamayabang, hindi pa ako seryoso sa pag-aaral. Itanung mu pa kay mama at papa.

Chapter I- Day Care
            Pumasok ako ng day care sa ilalim ng grandstand, para malapit lang ako kay papa. Hindi ko na masyadong matandaan yung mga bagay na ginawa ko noon pero meron isang bagay na hinding dindi makakalimutan noon, ang una kong CUTTING CLASSES. Hindi ko tanda kung kailan yun, ang natatandaan ko, pagkatapos naming magrecess kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto kahit na sinisigawan na ako ng mga kaklase ko noon. Dumeretso agad ako kay papa at bigla nalang akong pinagtawanan nina Ninong Caloy at Tito Jun.

Chapter II- Kinder
            Noong kinder ako, dun ko narealize na pogi pala ako. Isinali ako noon ni mama’t papa sa Mr. and Ms. Kinder noon. Pero yun ay nakabatay sa perang malilikom ang panalo. Kahit na ganun, naisip ko pa ring pogi ako dahil sa kada pagkakataon na magsosolicit kami, lagi nila akong sinasabihang pogi at gwapo, which is totoo naman pero hindi na siguro ngayon kasi tumaba na ako. Hahaha.
*Kung sino naman po ang nakakakilala sa babaeng nakapartner ko noon, nandyan ang picture, nananawagan po akong ipagbigay alam ninyo pos a akin ang pangalan kasi matagal ko na talaga siyang hinahanap. Salamat po.

Chapter III- Grade I
            Sa San Pablo City Central School ako pumasok nung elementary ako. Nung Grade I ako, Pilot B ang section ko noon o mas kilala sa tawag na Winnie the Pooh. Ang room namin ay nasa Rizal building na nirerenovate ngayon. Kasama ako noon sa honors 5th nung 1st grading, 3rd nung 2nd grading at 2nd sa 3rd at 4th grading. Pinanglalaban din ako sa Makabayan at Science pag meron kaming programs. Lagi din kami ang naglilinis ng Rizal Hall bago o pagkatapos gamitin ito. Ang tanda ko noon, may tinutusok kami sa sulok ng room, akala naming kung ano iyon yun pala sawa. Hindi ko din makakalimutan noon ay nang hindi inaasahang mapatae ako sa aking short noon . hahaha.

Chapter IV- Grade II
            Tumaas na ako ng section, Fast Learner na ako. Kaso hindi na ako kasama sa honors pero player naman ako ng kasibulan o football ng bata at naging 1st kami noon. May katangahan nga lang akong ginawa noon, habang kami ay kumukuha ng pagsusulit sa math, nahuli ako ng titser naming na gumagamit ng multiplication table kaya kinuha yung papel ko at hindi na ako pinakuha ng test. Unang beses ko na ngang mandadaya nahuli pa. Hahaha.
Chapter V- Grade VI
            Wala na namang magandang nangyari sa akin nung ako ay grade III, IV at V kaya grade VI na agad. Mga July yata noon nagsimula nang magpilian para sa panlaban sa Sibika Quiz sa DACES. Dahil panlaban na ko noong grade V na nakaabot kami hanggang region, naging madali sa akin ang pagsali. Ako na rin ang naging panlaban sa MAKABAYAN Quiz Bee. Sa district, wala akong mali sa easy at average at dalawang mali lamang sa difficult sa Makabayan at 1st naman kami sa Sibika. Pagdating ng Division, kami ulit ang 1st sa Sibika ngunit nahirapan naman ako sa Makabayan. Mayroon akong tig-iisang tama sa easy, average at difficult na naging sapat na para manalo ako at maging first. Hindi naman kami pinalad sa region sa Sibika ngunit nanalo naman akong 1st sa makabayan quiz. Muntik na akong matalo noon kung hindi lang ako nakadami ng tama sa difficult. Dahil sa pagkapanalo kong ito ako ang magiging pambato ng CALABARZON sa Makabayan quiz Bee kung saan ako ay naging kampeon na nagbigay sa akin ng isang linggong kasikatan sa aming paaralan. Kahit na ako ay isang national champion hindi naman ako kasama sa top 10 namin. Hahaha.

Chapter VI- High school
            Sa CLDDMNHS ako pumasok at ako ay kasalukuyang 4th year student dito at malapit ng magtapos. Nung 1st year ako, 3rd ang ranking ko sa lahat ng aming grading periods dahil tinatamad pa akong mag-aral noon. Sa 2nd year naman, naging 1st na ako dahil sa pangakong pag 1st ako, ibibili ako ni Papa ng PSP na ngayon ay nawawala sa bahay namin. 1st ako lagi pagdating ng 3rd year at kasulukuyang running for valedictorian sa taong ito.

Part III- Hayskul Lab
            Mas makulay ang buhay pag-ibig ko ngayong high school kaysa sa pag-aaral ko kaya ito ang napili kong ielaborate sa inyo.

Chapter I- Benadette L. Batoy
            Noong 1st year kami unang nagkakilala. Magkaklase kami noon at napansin ko sa sarili ko na tingin ako ng tingin sa kanya, hindi ko naman alam kung bakit hanggang sa yumaon ay nalaman kong may gusto pala ako sa kanya. Buti na lamang at may cellphone din siya kaya madalas ko siyang katx noon at dun ko din nalaman na may gusto din pala siya sa akin. Dahil hindi pa hubog ang isip ko noon tungkol sa mga ganitong mga bagay, niligawan ko na agad siya through text almost pero totoo naman ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko na tanda yung date na sinagot niya ako kaya itanong niyo na lang sa kanya, ang mahalaga naging kami. Pero problema agad ang sumalubong sa amin. Noong science camp namin, nagkaroon ng balibalita tungkol kay Bernadette na meron siyang ibang kasama noong gabing iyon na sobra kong pinagselos sa kanya. Wala naman akong ginawa at pinalagpas ko na lang. Ang isa pa ay nang sumulat ang isang babaeng patay na patay sa akin noon kay Bernadette na naglalaman na kung pwede ay ibigay na lang niya ako sa kanya. Ipinagselos iyon ni Bernadette pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagseselos dahil hindi ko naman pinapansin yung babae. Haixt. As far as I can remember, nagbreak kami dahil sa naasar na ako sa kanya dahil nagselos siya kay Piwie ng walang dahilan. T.T Itanong ninyo na lang ulit kay Bernadette kung kailan kami naghiwalayan.
* Hindi ko binanggit ang pangalan ng isang babae at isang lalaki, for securities sake.

Chapter II- Marizthel T. Alcantara
            Nung kami ay 2nd year nagpatulong ako noon kay Marizthel nung ako ay sumusubok na maging close kay Piwie na nangyari naman pero hanggang doon lang. Pagdating ng 3rd year, medyo matalik kaming magkaibigan ni Mariz noon pero parang may naramdaman ako noon na more than friends ang tingin ko sa kanya. Ang una kong kinaharap na problema nung nililigawan ko siya ay nang ayaw niyang magpaligaw dahil sa gusto niyang unahin ang kanyang pag-aaral at sa magkaiba ang aming relihiyon. Ngunit pinagpilitan ko ang aking sarili at hindi nawalan ng pag-asa. Ang pangalawa ay ang itinuturing kong kakompitensya at naging dahilan ng paghina ng loob ko. Dumating nga sa punto na naging desperado ako ngunit naging dahilan upang magalit siya sa akin. Okay na naman kami sa ngayon.

Chapter III- Krislyn Joy M. Cacao
            Noong November 2, 2010, may biglang may nagtx sa akin na hindi ko kilala, nagpakilala naman siya at siya daw si Krislyn, hindi ko maexpalin yung reaction ko noon dahil ina-admire ko na siya noon dati pa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya tuwing dadaan siya tapat ng room namin dati. Nalaman kong kinuha niya kay Arjay ang number ko pero hindi ko pa rin alam kung bakit niya kinuha ang number ko. Nagbigay ito ng pagkakataon upang manuyo sa kanya at naging kami naman ngunit nagkaproblema kami ngayon at maiintindihan pa kung maayos pa ang problema pero ito lang ang masasabi ko, MAHAL NA MAHAL KO SIYA
*Pasensya na kung hindi detailed, rush kasi eh. Edit ko na lang pag nacheckan na.

Sunday, February 20, 2011

My Blog Name's History

THE GAMER
Why is it? Why my blog is named “THE GAMER”? Do you want to know why? I know why. Do you want to know why? Okay, I will tell you why.
            Why?
            Enough with the whys. I will now tell you the whole history of my blog’s name “THE GAMER”.
           
When I was six years old, I always play with my Lego blocks given to me by my parents because it was their birthday gift to me I think. It was 12 years ago so I do not remember exactly the reason my parents gave me Lego blocks but never mind that, the important thing is that they gave me Lego blocks and a whole box of them. As two years go by, I had mastered how to build something out of Lego blocks. I am able to build houses and castles and used specially made Lego blocks to build a spaceship and a racecar.
             
But I lost my love for playing Lego blocks and found a new toy to play, “toy armies.” As far as I remember, my room always turns into a warzone when I play my toy armies. It was filled with infantries, tanks, cannons, and airplanes and I was the one who made the sound effects.
            “Tatatatatatatatatat!!!”
            “Fire in the hole!!!”
            “Retreat!!!”
            But I also lost my love of playing toy armies. It looked like I was craving for something technological.
           
When we went to our cousin’s house in Cainta, I saw my cousin playing something on his computer. I asked him the name of the game that he plays and he replied that it is called “Red Alert 2.” Because it is my first time to see a computer game, I just watched him all throughout that day. And at the Christmas of that year, my cousin gave a copy of the game and this became the start of my computer gaming career. It was followed by the online game, “Ran Online” that I can only play when I am on my uncle’s house. Then, I played “Supreme Destiny” with my sister but we stopped because we couldn’t download a new patch that will start the game. Next was the “Perfect World” that I easily lost interest because it was hard to level up. I also played “Defense of the Ancients” or commonly known as “DOTA”. I quitted playing that game recently as a promise to my girlfriend and I also lost interest on it because most of the time I play it, I lose. Recently, I played also “Weapons of War” but it only took me two weeks playing it because I switched to a new game that I also played two years ago and the game is called “Rohan.”
 

            Then, as a requirement and a project to our computer subject this school year, we are required to create our own blog that will show who we are. And that made me realized who really I am, a gamer, where my blog’s name, “THE GAMER” was derived.
            I forgot that I also played PSI, PSII, PSIII, PSP, XBOX and Wii but I only had a PSI and a PSP that is currently missing in my house.

Monday, February 14, 2011

I am a Responsible Netizen

I am a Responsible Netizen
                Before we go on, do you know what a Netizen is?
                Based on the free encyclopedia, Wikipedia, a Netizen (from Internet and citizen) or cybercitizen is a person actively involved in online communities.
                So based on the meaning me, you and everyone that make use of the internet is a Netizen. But there is a problem. Many of these netizens lack responsibility.
                But what do we mean by a responsible netizen?
                For me a responsible netizen does not do the following:
1.       Uses inappropriate words at commenting and chatting.
Internet is like a community where social activities happen everywhere. And one of the things they forbid is using bad words because it is an assault to the person you pertains. This is also applied in the internet.
2.       Visits pornographic sites.
As we all know prostitution is against the law of our community and visiting pornographic sites in the internet is a way of cyber prostitution so it is also against the law. And above all, God forbids any kind of maliciousness.

Clash of the Titans

Pamagat: Clash of the Titans
Direktor:  Louis Leterrier
Naglapat ng Musika: Djawadi
Mga Nagsiganap:
§  Sam Worthington as Perseus
§  Liam Neeson as Zeus
§  Ralph Fiennes as Hades
§  Gemma Arterton as Io
§  Alexa Davalos as Andromeda
§  Mads Mikkelsen as Draco
§  Jason Flemyng as Acrisius/Calibos
§  Tine Stapelfeldt as Danaë
§  Nicholas Hoult as Eusebius
§  Hans Matheson as Ixas
§  Liam Cunningham as Solon
§  Ian Whyte as Sheikh Sulieman
§  Pete Postlethwaite as Spyros
§  Elizabeth McGovern as Marmara
§  Polly Walker as Cassiopeia
§  Vincent Regan as Cepheus
§  David Kennedy as Cepheus's General
§  Kaya Scodelario as Peshet
§  Luke Treadaway as Prokopion
§  Danny Huston as Poseidon
§  Izabella Miko as Athena
§  Tamer Hassan as Ares
§  Luke Evans as Apollo
§  Nathalie Cox as Artemis
§  Nina Young as Hera
§  Agyness Deyn as Aphrodite
§  Paul Kynman as Hephaestus
§  Alexander Siddig as Hermes
§  Charlotte Comer as Demeter
§  Jane March as Hestia
§  Natalia Vodianova as Medusa
§  Mouloud Achour as Kucuk
§  Ross Mullan as Pemphredo
§  Ashraf Barhom as Ozal

Buod:
Ang Clash of the Titans ay nakalugar sa isang Griyegong lungsod ng Argos, kung saan mayroong digmaan sa pagitan ng tao at sa mga dios. Sa simula ng kwento, isinasalaysay ang kwento ng tatlong Olympians na nakipaglaban sa mga Titans, matagal na ang nakalilipas: ang magkakapatid na sina Zeus, Poseidon, at Hades.  Ibinigay ni Hades ang paraan upang matalo ang mga Titans, ang kanyang likha na tinatawag na Kraken. Matapos ang pagkatalo ng mga Titans, nilikha ni Zeus ang mga tao at pinamunuan ang mga ito habang si Poseidon ang nagpuno sa mga dagat, ngunit si Hades, na dinaya ni Zeus, ay sapilitang namuno sa impyerno. Si Zeus at Poseidon ay nakakakuha ng kapangyarihan mula sa mga panalangin ng mga tao, ngunit si Hades ay natututo sa isa pang paraan; takot. 

Isang mangingisda na pinangalanang Spyros
ang nakahanap ng isang kabaong natangay ng agos sa dagat, na may lamang isang sanggol, si Perseus, at ang kanyang patay na ina, Danaë, sa loob. Si Spyros ay nagpasiya na palakihin si Perseus bilang
kanyang sariling anak. Ilang taon ang lumipas, si Perseus at ang kanyang pamilya ay nangingisda ng masaksihan nila ang isang grupo ng mga sundalo mula sa Argos na sinisira ang isang rebulto ni Zeus bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios. Si Hades ay lumitaw at inutusan ang mga harpies na patayin ang mga sundalo at siya mismo ang sumira pangisdang bangka ng pamilya ni Perseus. Sinubukan ni Perseus na sagipin ang kanyang pamilya, ngunit hindi siya nagtagumpay. 

Ang mga nakaligtas na mga sundalo ay kinuha si Perseus pabalik sa Argos. Sa isang kapistahan para sa mga bumalik na sundalo, sina King Kepheus
at Reyna Cassiopeia ng Argos ay inihambing ang kanilang mga sarili at ang kanilang anak na babae na si Andromeda sa mga dios, na hindi naman niya nagustuhan. Pagkatapos makumbinsi ang kaniyang kapatid upang parusahan ang taga-Argos, si Hades ay lumitaw at pinagpapatay ang mga natitirang sundalo habang si Perseus ay hindi naaapektuhan sa nangyayari. Matapos isiwalat na si Perseus ang kalahating diyos na anak ni Zeus, at patayin si Cassiopeia, si Hades ay nagbanta na kung si Princess Andromeda ay hindi ihahain sa Kraken, ang Argos ay pupuksain sa loob ng 10 araw. Si Hermes, ang mensaherong diyos, ay pumunta kay Zeus sa Olympus at isiniwalat ang lokasyon ng kaniyang anak na si Perseus. Si Hermes ay nagpahiwatig na alokin si Perseus sa santuario, ngunit dineklara ni Zeus na siya ay iniwan sa kanyang kapalaran, kasama ang iba pang mga taong hindi naniniwala sa relihiyon. 

Ang hari ay humingi ng tulong kay Perseus matapos na siya ay ilagay sa bilangguan. Tumanggi si Perseus hanggang makilala niya si Io,
isang babae na hindi natanda bilang parusa sa pag-ayaw sa hikayat ng isang diyos. Isiniwalat ni Io na si Perseus ay isang kaparusahan isinagawa sa pamamagitan ni Zeus kay Acrisius, ang dating hari ng Argos na kasal kay Danaë, para sa kanyang mga aksyon laban sa mga dios. Nang ilalaglag na ni Acrisius si Danaë at ang sanggol upang matangay ng agos sa loob ng kanilang kabaong, isang galit na galit na Zeu
s ang nagpatama ng kidlat kay Acrisius, dahilan upang siya ay pumangit. Pagkatapos malaman na ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng kanyang paghihiganti laban kay Hades, sumang-ayon si Perseus na tumulong. Siya at ang mga sundalo ng Argos ay pumasok sa isang paglalakbay upang mahanap ang mga Stygian Witches na may isang pares ng Persian-monster hunters na pinangalanang sina Ixas at Kucuk, at sumusunod naman si Io. Upang mapigilan ang mga kaganapan, hinikayat ni Hades si Acrisius, na tinatawag na ngaung Calibos, na patayin si Perseus. Binigyan ni Hades si Calibos ng kapangyarihan. 

Sa gubat, si Perseus at ang kaniyang mga tao ay nakatuklas ng isang tabak na gawa sa Olympus na tanging si Perseus lang ang makakagamit. Habang hiwalay mula sa mga grupo, nakita ni Perseus ang alagang kabayong lumilipad ni Zeus, ang Pegasus. Gayunman, tumanggi si Perseus sa parehong tabak at purong-itim na Pegasus na alok na tulong ng mga dios, dahil hindi niya nais na maging isang diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at sinubukang patayin si Perseus, habang nakapapatay ng ilang sundalo sa proseso, ngunit hindi nagtagumpay si Calibos at nawala ang kanyang kamay bago nakatakas. Gayunpaman, ang dugo ni Calibos ay naging mga higanteng alakdan mula sa mga buhangin na umatake kina Perseus at sa kanyang grupo. Kahit na nakapatay sila ng ilang mga alakdan, karamihan ng mga kagrupo nila ay napatay, at ang mga nakaligtas ay napapaligiran ng higit pang mga alakdan. Sila ay nailigtas sa pamamagitan ng mga Djinn, isang pulutong ng mga dating-taong manghuhula sa disyerto na pinalitan ang kanilang makalupang laman ng abo at madilim na mahika.
Napatulog ng mga mahiwagang nilalang ang mga alakdan. Kahit na hindi mapagkatiwalaang gamutin ang sugat ni Perseus, ang Djinn lider, Sheikh Suleiman, ay sumama sa grupo ni Perseus. Ang Djinn ay nais na makita ang nais ng mga dios para sa kapahamakan ay mabigo.

Ang bayani ay nakarating sa Hardin ng Stygia at ayon sa mga Stygian Witches na ang ulo ng Gorgon ay maaaring makapatay sa Kraken, ngunit si Perseus at ang kanyang grupo ay mamamatay sa proseso. Pagkatapos si Perseus ay binisita ni Zeus na nagbibigay sa kanya ng pagpapakupkop laban sa Mount Olympus, ngunit siya ay tumanggi. Si Zeus ay nagbigay sa kanya ng isang gintong drakma, na magagamit ni Perseus upang suhulan si Charon para sa dadaanan papunta sa Sheol. Habang si Io ay nananatiling nasa labas, dahil sa isang spell na nagbabawal ng anumang mga babae mula sa pagpasok ng lugar na iyon, si Perseus at ang mga natitirang sundalo ay lumaban ng mahirap upang manatiling buhay ngunit sila ay naging bato isa isa sa pamamagitan ng titig ni Medusa. Ngunit sa pamamagitan ni Suleiman at Draco, napugutan ni Perseus ang ulo ni Medusa. Nang makalabas si Perseus, nakita niya si Calibos na pinatay si Io sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang likuran. Si Perseus ay nakipaglaban kay Calibos at napatay niya ito gamit ang tabak mula sa Olympus. Sa kanyang huling hininga, hiniling ni Acrisius kay Perseus huwag maging isang diyos. Si Perseus ay nanatili kay Io hanggang sa malagutan ito ng hininga at pagkatapos ay sumakay sa Pegasus pabalik sa Argos na dala ang ulo ng medusa. Sa Argos, ilang mamamayan ang bumuo ng isang uri ng pagsamba kay Hades at nagpaplano upang isakripisyo si Andromeda sa Kraken laban sa kagustuhan ng hari. Si Hades ay nagpaplano na ang pagsira sa Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians.

Si Perseus ay nakabalik sa Argos, ngunit si Hades ay nagpadala ng kanyang mga harpies na huminto sa kanya. Pagkatapos talunin ni Perseus ang mga nilalang na ipinadala ni Hades, ginamit niya ang ulo ng medusa upang gawing bato ang Kraken. Si Hades ay lumitaw at pinaggiitan kay Perseus na hindi siya mamamatay, dahil siya ay isang dios. Dahil nailigtas niya ang Argos mula sa kapahamakan,
nagpahiwatig si Andromeda kay Perseus na maging hari at tuntunin ang Argos sa kanyang tabi, ngunit siya ay tumanggi. Si Zeus ay lumitaw at nag-alok muli kay Perseus na maging isang diyos, ngunit siya ay tumanggi sa pangalawang pagkakataon. Dahil gusto ni Perseus na mamalagi sa mundo, binuhay ni Zeus si Io, at ang dalawa ay nagyakapan habang ang Pegasus ay lumilipad sa itaas ang mga ito.
Pagsusuri:
v   Aspetong Visual:
Ø  Pagganap ng Artista
Magaling ang mga nagsiganap. Nagampanan nila ng maayos ang kanilang mga karakter.
Ø  Props o Kagamitan:
Angkop ang mga kagamitan ginamit sa palabas.Malaki ang naitulong nito sa pagsasagawa ng palabas.
Ø  Kasuotan:
May mga kasuotan na nagpagulo sa palabas.
Ø  Tagpuan/Disenyong set:
Ang tagpuan ay nagbigay ng kasiglahan at nagpaliwanag lalo sa mga pangyayari sa palabas.
Ø  Sinematograpiya o larawang anyo ng pelikula:
Nagpakita ang pelikula ng makatotohanang pangyayari na nagaganap ayon sa mitolohiyang griyego.
v  Aspetong Audio
Ø  Pagpapalitan ng dayalogo:
Nagkaroon ng angkop na pagpapalitan ng diyalogo sa pelikula. Naging maliwanag ang pelikula dahil sa mga pag-uusap at diyalogong binitawan.
Ø  Paglalapat ng musika:
Ang musika sa pelikula ay nagbigay ng kakaibang pakikiramdam na nagbibigay interes sa manunuod.
Ø  Sound effect o bisa ng tunog:
Ang mga sound effects ang lalo pang nagpaganda sa pelikula at nagbigay buhay sa mga panyayari.
v  Direksyon:
Magaling ang ginawang pagdidirekta sa pelikula, nabigyang buhay ang nais ipahiwatig ng palabas.
v  Iskrip:
Nagkaroon ng mahusay na pagsulat sa iskrip na nabigyan ayos sa pagsasalita ng mga nagsiganap.
v  Pangkalahatang Puna :
Maganda ang kinalabasan ng pelikula.
v  Bisang pandamdamin:
Dahil sa pelikula, marami akong natutunan tungkol sa mitolohiyang griyego kahit sa maikling panahon lamang.
v  Bisang Pangkaisipan:
Gumigising ito sa akin na dapat nating katakutan ang Diyos na gumawa sa ating lahat.
v  Bisang Pangkaasalan o moral:
Nakaapekto ito sakin na tingnan din ang lahat ng mungkahi ng bawat isang tao sa ating paligid.